Naglalakad kami, me, dyan and josh. Papunta kaming mcdo. Then napansin ko, sa may 7/11, may matanda na nakatulog. Yung bag niya ginawa niyang unan. Maayos siya. Mukhang kadarating ng Manila. Wala siguro siyang matulugan na iba. Ang nasa isip ko nung nakita ko siya, "kawawa naman, baka nandito siya sa maynila para makipagsapalaran". Nawala na siya sa isip ko nung nasa Mcdo kami. Pagkalabas namin ng Mcdo, bumili kami ng candy, napansin namin parang may tinitignan yung mga timdera. May bata, may hawak siyang black na bag. Akala nung mga tindera, yung lalaking nagaabang jeep ang nakuhanan. Sumakay yung bata ng jeep. Wala akong idea kung ano nangyayari. Tapos bigla kong nakita yung matanda, akala niya yung bata na nilapitan niya yung kumuha ng bag niya, pero hindi. Sinabi nung mga tao dun (ata) na sumakay ng jeep yung kumuha ng bag niya. Bumigat yung pakiramdam ko. Ayaw kong nakakakita ng matandang lalaki na magisa. Sinundan namin siya, gusto kong tumulong, gusto kong tanungin kung may pera siya, gusto ko siyang bigyan kahit kaunti lang, kaso hindi namin alam kung paano namin siya iaapproach, at nung inapproach namin siya, hindi niya kami pinansin. Patuloy siya sa paglakad, patingin tingin sa paligid. Umaasa na makita niya yung bag niya.
Bakit kailangan ko pang makita yun? bakit sakto pa na pagkalabas namin? ang haba ng oras kanina, sana bago kami lumabas o after namin makauwi. Bakit kami pa ang kailangan makawitness nun? Ambigat. Dapat sa edad niyang yun, inaalagaan siya ng mga anak niya(kung meron man), dapat nandun siya sa bahay nila, at hindi nasa kalye. Dapat natutulog siya ng mahimbing, at hindi naghahanap ng nanakawa na bag niya,
At dun sa bata, kung sino man siya, alam ko may dahilan kung bat niya ginawa yun, pero bakit dun pa sa matanda, dun sa matanda na mahimbing na natutulog sa bangketa, dun sa matanda pa na walang kasama, sa matanda na yung bag nalang ang meron siya.
Sana nasa bulsa niya yung pera niya. Sana may pangkain pa siya bukas. Sana ok lang siya. Sana magawa na niya yung dapat niyang gain dito sa Manila at sana, sana lang, hindi siya matulad sa iba na kalye na ang tirahan. :'(