Andaming jeep sa pilipinas noh? halos san ka tumingin may jeep! e yan ata ang pambansang sasakyan ee! sabi nga nila "Only in the Philippines" Actually,hindi naman yung jeep mismo ang paguusap natin dito, kundi yung nasa loob ng jeep. Teka! hindi yung engine ha, kundi yung mga taong sumasakay sa jeep! ewan ko ba kung bakit ko to napanansin, wala lang siguro kasi akong magawa sa jeep nung mga oras na yun! ayun, kung ano ano tuloy napansin ko! Alam mo kung ano yun? siyempre hindi pa, kasi hindi ko pa naman sinasabi, hindi ka naman siguro manghuhula diba? haha! joke lang! eto na talaga!
Pansinin mo yung mga tao sa loob ng jeep! Magsimula tayo sa driver. Maraming klase ng driver, meron diyan yung matandang mabait, matandang masungit, middle age na mabait at masungit pero madalang akong makakita ng mga 20+ na driver ng jeep. Nakakainis minsan, kasi may mga driver na kung makapagpreno, akala mo gustong iusod lahat ng tao papunta sakanya. hello? kuya?! ambaho kaya nung katabi ko tapos ipepreno mo ng ganyan, e di dumikit na yung amoy niya sakin! saka mo gawin yan kapag gwapo yung ktabi ko, ng maisubsob ako sakanya sabay pacute (landiiii)! meron din naman mababait na driver, yung tipong kapag di ka pa nagbabayad "yung hindi pa po nakabayad siyan, magbayad na po kayo, please:)" tapos kapag magaabot sila ng sukli "pakiabot po, salamat" haha! nakakatwa lang, may time pa talaga silang magthank you habang nakikipagpatintero ang jeep nila sa mga magagandang sasakyan na wala silang takot kung mabunggo nila, ano nga naman magagasgas sa jeep nila. Meron ding mga driber na swapang, yung tipong isisigaw nila 5 pa po, e halos mukhang sardinas na yung mga tao sa loob, yung totoo kuya?! gusto mo bang maging close mga pasahero mo? hmmmp! aynako! tama na nga muna sa mga driver!
Sa mga pasahero naman tayo! haaay! madaming klase ng pasahero! enumerate ko mga nakitanko ha? eto :
- mga early bloomers : eto yung mga bata na papasok o pauwi ng school! akalain mo yun, may nakita ako, 5-6 years old, nakakasakay na ng jeep! responsableng bata! hindi nagpapahatid sa magulang! alam niya kung saan siya papunta! bravo! independent na agad yung bata!
-rushers: eto yung mga taong laging nagmamadali. minsan nakakairita na din, kada tigil mg driver sa kanto "tsk" *sabay kunot ng noo* ang ginagawa nila. tapos kung makatingin sa relo, kada segundo. teh,wag magmadali! e kung mas nagising ka kasi sana ng mas maaga diba?! suuus!
-lost: eto yung mga taong mostly nakikita mo nakaupo malapit sa driver. yung mga hindi alam kung saan pupunta, kung tama ba yung sinakyan na jeep, kaya pasuyo nalang kay manong na "kuya, ibaba mo ako sa ganito ha?"
-no choice: eto yung mga mukhang mayaman o yung mga taong hindi talaga gustong magjeep, pero kailangan kasi siguro yung lang yung tanging paraan para makapunta siya sa dapat na pupuntahan.
-loudspeakers: eto yung mga grupo ng magkakaibigan nakapag nakasakay na ng jeep, akala e walang ibang tao sa jeep. kung makapagingay wagas! tawa lang ng tawa, teh, bahay niyo? (guilty! haha)
-chismosa: eto naman yung mga loner minsan na walang earphones, walang magawa, kaya nakikinig sa usapan ng iba. try mong magjoke sa friend mo, tapos sabay tignan mo yung taong loner sa harap mo, sa malamang, kung chismosa yun, tatawa yun! promise!
-wapakels: eto naman yung mga hindi nagmamadali, alam kung saan pupunta at minsan, makikita mong malayo ang tingin. ewan ba kung bored sila o sadang mahilig lang tumingin sa malayo. eto yung mga taong ineenjoy lang yung ride hanggang makaratin. no worries ba!
- vain: eto yung nakaupo katabi ng driver! 100% sure ako, na kapag nakaupo sa harap, titingin at titingin yan sa salamin! pusta mo?! at during the ride, titingin pa rin yan sa sarili niya ata aayusin ang sarili hanggat makababa! :)
-PDA: alam na! eto yung mga magsyotang wala atang pambayad sa mga motel na kung makapaglampungan sa jeep e akala nasa kwarto lang nila sila! teh, hintay naman! wag atat! makukuha mo din naman yan ee! lapit na! tiis lang!
pero eto seryoso, minsan may napansin din akong sumakay na parang hindi niya alam pupuntahan niya, hindi siya sigurado at parang kulang nadin yung pera niya, yung tipong last money na yung pamasahe niya dun. yung bahala na kung saan siya madala ng pera niya. nakakaawa lang.
Hindi masyadong malaki ang jeep, pero kapag sumakay ka andami mong pwedeng mapansin, may pwede ka ding matutunan. Pagmasdan mo lang? ano, sakay na sa jeep, otso lang naman ee! :)